Cotabateña, kinoronahan bilang Ms. Teen International 2018

Muling kuminang ang kagandahan at talento sa buong mundo ng isang 15 anyos na grade 9 student mula Cotabato City matapos koronahan bilang Ms. Teen International 2018 sa Phuket Thailand noong July 30 2018.

Namayagpag mula sa higit isang daang mga partisipante ng 46 na bansa si Ms. Gemili Vista Tocao istudyante ng RVM College.

Sa kanyang pagtungo sa himpilan ng RMN COTABATO DXMY, inamin ni Gem, na naging isang malaking karangalan na mairepresenta di lamang ang Pilipinas maging ang Cotabato City sa isang prestigious beauty pageant at tila bonus na lamang na tanghalin itong Ms. Teen International 2018.


Lubos namang pinasalamatan ni Gem ang lahat ng mga tumulong sa kanya para makamit ang simula ng kanyang mga pangarap. Kabilang rito ang kanyang Coach na si Elijah Aguirre lalo na ang kanyang pamilya.

Bukod kay Gem tinanghal na Miss Teen Princess Int’l (2nd place) si Kiara Pineda ng Venezuela at Miss Teen Princess Int’l (3rd Place), Ashmita Dhungana ng Nepal.

Kaugnay nito, nakatuon pa rin ngayon ang focus ni Gem sa kanyang pag-aaral habang pinaghahandaan na rin nito ang iba pang darating na International Beauty Pageant dagdag naman ng kanyang Mommy Mildred. Si Gem ay isa ring tubong Balabagan, Lanao Del Sur.

PHOTOS: FB wall of Gem




Facebook Comments