Cotabateños maging mapanatag ayon sa PNP

33

Nagpapatuloy ang mga pagsisiskap ng Cotabato City PNP matapos ang mga naitalang kaso ng pamamaril sa pagpasok ng 2020.

Sa impormasyon mula kay City PNP Director Col. Portia Manalad, 7 kaso na ang naitatala sa kalagitnaan pa lamang ng unang buwan. Sinasabing 9 dito ang mga nabiktima 7 ang nasawi.


Kaugnay nito, ilan sa mga nasa likod ng mga pamamaril ay tukoy na at nasampahan ng kaso habang nagpapatuloy naman ang malalimang imbestigasyon sa ibang kaso dagdag ni Col. Manalad sa naging panayam ng DXMY.

Samantala, sa kabila ng mga nangyaring insidente, pinatag naman ng mga otoridad ang damdamin ng mga taga syudad , wala rin dapat anilang ikaalarma bagkus suportahan na lamang ang mga ito sa pagpapanatili ng katahimakan .
Mas pinaigting naman ngayon ng mga otoridad ang pagbibigay ng kaligtasan sa mga taga Cotabato City.

Facebook Comments