Cotabateños nakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso

30

Nagsimula na ang pagdasa ng mga mamimili sa Tantawan FlowerShop sa Cotabato City kasabay ng pag-oobserba ng Valentines Day.

Bukod sa mga bulaklak, mabenta rin ang mga balloons. Nasa 50 pesos ang isang pirasong rosas habang higit isang libo naman ang pinakaspecial ayon pa sa mga nagbebenta nito.
Samantala, punuan naman ngayon ang mga lodging houses sa syudad. Habang kanya- kanya ring gimik ang inihahatid ng mga restaurants sa syudad.


Ilang mga programa naman ang inilatag ng Cotabato Regional and Medical Center para sa pangangalaga ng puso.

Kaugnay nito, nakaalerto naman ang security forces sa bawat sulok ng syudad para mapanatili pa rin ang katiwasayan sa araw ng mga puso.

Facebook Comments