Inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ang Cotabato Airport ay fully operational para sa commercial flights simula pa kahapon.
Sa Notice to Airmen (NOTAM) na inisyu ng CAAP, ang Cotabato Airport ay magbubukas mula 7:00 AM hanggang 11:59PM hanggang November 18.
Ayon sa CAAP, patuloy ang kanilang ginagawa para sa runway development project sa Cotabato Airport upang matiyak ang ligtas na operasyon sa sandaling magpasya ang mga airline na ipagpatuloy ang kanilang mga serbisyo.
Batay sa Aerodrome Management and Development Service (ADMS), ang runway ay magkakaroon ng haba na 1,960 meters at lapad na 45 meter na kayang tumanggap ng single-aisle aircraft tulad ng Airbus A320 o Boeing B737.
Samantala, nagpaalala pa rin naman ang ahensya sa pasahero at publiko na may ilang parte pa rin ng paliparan na isinasaayos para sa mas magandang karanasan ng mga sumasakay na biyahero.