Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection ng Cotabato City kaugnay sa nangyari sunog tanggapan ng City Comelec alas 9 y media noong gabi ng August 25 sa Santa Teresa Street , RH 13.
Inaalam din ang maaring pinagmulan ng insidente ayon pa kay FO2 Aldrin Narra, tagapagsalita ng BFP Cotabato sa panayam ng DXMY ngayong umaga.
Sinasabing ang Door 1 at 2 na apartment na inooccupy ng Comelec ang lubos na naapektuhan at tinatayang nasa 900,000 pesos ang danyos ng sunog.
Bukod sa mga kagamitan sa loob ng tanggapan ng Comelec, inaalam rin ngayon kung apektado ba ang mga Data o Records ng tanggapan. Matatandaang isinasawa ngayong mga panahon ang on going registration sa syudad.
Kaugnay nito, ikinalungkot naman ni Cotabato City Mayor Atty Frances Cynthia Guiani ang nasabing insidente kasabay ng pag-asa na agad na mapabilis at lumabas ang resulta ng imbestigasyon.
Samantala, wala pang statement ang bagong talagang Officer in Charge ng City Comelec na si Atty Mohammad Omar Samama .