Maitututing na Zero COVID -19 o COVID 19 Free na ang Cotabato City matapos makalabas na sa pagamutan ang huling dalawang indibidwal na nagpositibo sa karamdaman.
Ito ang napag-alaman mula sa naging panayam ng DXMY kay Arjohn Ganggoso ng Department of Health Region 12.
Matatandaang anim na indibidwal mula Cotabato City ang nagpositibo sa COVID 19 kamakailan ngunit ang lahat ay nagnegatibo na sa sakit matapos sumailalim sa proseso at retesting dagdag pa ni Ganggoso.
Wala na ring Person Under Investigation o PUI sa Cotabato City habang iilan na lamang rin ang sumasailalim sa home quarantine na mga Person Under Monitoring.
Bagaman, masasabing ligtas na kontra COVID 19 ang syudad sa nakalipas na mga araw, hindi naman nagpapakasiguro ang LGU upang tuluyang wala ng residente ang makapitan ng hindi nakikitang karamdaman.
Patuloy pa rin ang inisyatiba ng LGU katuwang ang City Health , Baranggay, Militar at PNP.
Nanawagan naman si Mayor Cynthia Guiani sa kanyang mga kababayan na patuloy na makaisa sa kanilang adbokasiya para sa kaligtasan ng lahat.
Kaugnay nito masaya ring inihayag ni Ganggoso na walang naidagdag na mga kaso ng COVID 19 sa buong SOCSARGEN sa nakalipas na isang linggo.
CCTO PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
Cotabato City COVID FREE na!
Facebook Comments