Cotabato City DRMMO nagsagawa ng Occular Inspection matapos ang Lindol

Nagsagawa ng occular inspection sa school buildings sa lungsod kahapon kasunod ng naranasang magnitude 4 na lindol kamakalawa ng gabi ang tanggapan ni City Disaster Risk Reduction and Management Officer Reynaldo Ridao kasama ang City Enginireeng Office, DEpED, City Public Office.
Ayon kay Ridao, sa kanilang structural damage assessment ay wala namang major damage na nakita maliban sa mga bitak sa kisame at dingding ng ilang mga eskwelahan.
Pinagsabihan na lamang nila ang pamunuan ng naturang mga paaralan na huwag na munang gamitin ang silid at agad na ipagawa upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Sa panig naman ng mga establishment, sinabi ni Ridao na sa kanilang pag-iinspeksyon ay wala naman ding major damages.
Paalala naman ni Ridao sa mamamayan ng lungsod na balak magtayo ng bahay o istruktura na siguraduhing matibay ang mga ito
Dapat din anyang sumunod sa building code.
ccto pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments