Cotabato City Engineering Office nagpaliwanag sa status ng Konstrusyon ng ilang kalsada sa syudad

Saklaw ng Department of Public Works and Highways-Region 12 ang road projects sa bahagi ng TV Juliano St. na komukonekta sa Datu Untog Matalam Road, hanggang Pena Francia, Old Slaughter House hanggang Jose Lim St.

Ito ang nilinaw ni Eng. Samuel Jorolan ng City Engineering Office sa panayam ng RMN-Cotabato.

Ito ang tugon ni Eng. Jorolan matapos ang pagdagsa ng mga reklamo lalo na sa social media tungkol sa lubak, sira at hindi pa rin natatapos na road projects sa nabanggit na mga lugar.


Sinabi pa ni Eng. Jorolan na dalawa ang contractor ng naturang mga proyekto, isa sa mga ito ay pinadalhan na ng liham ng City Enggineering Office upang malaman ang mga dahilan kung bakit naaantala ang kanilang proyekto.

Nagpadala na rin naman sila ng sulat sa DPWH-12 upang iparating ang reklamong ito dagdag pa ni Eng. Jorolan.

Sa abot ng makakaya ng City Engineering Office at ng lokal na pamahalaan ng lungsod ay ginagawa na rin nila ang lahat upang mapabilis na ang road projects sa ilang bahagi ng lungsod na nakatengga at nagdudulot ng pwerwisyo sa mga motorista.

Ayon kay Eng. Samuel Jorolan ng City Engineering Office, sa oras na tutugon sa kanilang liham ang kontraktor at ang DPWH-12 at malaman kung ano ang problema ay doon gagawa ng mga hakbang o interbesnyon ang engineering office at local government upang makatulong na mapadali na ang road projects.(Daisy Mangod)

Photo from the FB Wall of Atty. J.G

Facebook Comments