Binulabog ng kambal na pagsabog ang Cotabato City ilang oras bago ang midterm elections.
Ayon kay Police Lieutenant Teofisto Ferrer Jr. ng city police precinct 2 , ang pagsabog ay nangyari dakong alas-10:30 kagabi.
Aniya, pinaniniwalaang 40 milimeter mortar ang pinasabog ng mga hindi pa nakikilalang salarin gamit ang isang m-79 grenade launcher tube.
Wala namang naiulat na nasaktan sa pagsabog na nangyari sa labas lamang ng bakod ng city hall compound ng Purok Omar, Malagapas, Rosary Heights 10.
Hindi pa itinuturing ng pulisya na election-related ang pangyayari habang gumugulong ang imbestigasyon.
Matatandaang inilagay ng Commission On Elections (Comelec) ang buong Mindanao sa category red election hot spot.
Ibig sabihin, ang lugar na nasa red classification nasa ilalim na ng control ng Comelec.