Bunsod ng nararanasang sama ng panahon, nagdeklara ngayong umaga ang lokal na pamahalaan ng Cotabato City ng suspension of classes.
Sa anunsyo ng city government, nakasaad na suspendido ang mga klase ngayong araw sa PRIMARY At ELEMENTARY levels sa PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS sa syudad.
Ang lahat ay pinag-iingat din sa posibleng paglakas ng hangin na maaaring maging sanhi ng pagkatumba ng mga puno.
Base sa weather advisory ng PAG-ASA, paparating sa Mindanao ang Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ), magbubunsod umano ito ng mga pag-ulan.
Kahapon pa nakakaranas ng mga pag-ulan ang Cotabato city.
Naka-standby naman ang emergency teams samantalang mataman namang minomonitor ang water levels sa mga kailugan.
Pinagbawalan din muna na maglayag ang banca operators dahil sa malalaking alon bunsod ng malakas na hangin.
Inalerto din ang Cotabatenos sa posibleng mga pagbaha.
Cotabato city government, nagdekalara ng suspension of classes!
Facebook Comments