Cotabato City Government nagpapasalamat sa Kooperasyon ng Taumbayan

Nananawagan ng ibayo pang pag-iingat at alerto ang Cotabato City Government laban sa coronavirus desease 2019 o COVID-19.

Ayon kay Secretary to the Mayor Boy Rasalan, maganda naman ang impact ng papapatupad ng community quarantine sa mga kabarangayan sa lungsod.

Anya, positibo ang pagtanggap dito ng mga residente, sa katunayan anya nagboboluntaryo na ang marami sa kani-kanilang barangay upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa kanilang komunidad.


Sumusunod din ang Cotabateños sa mga ipinagbabawal sa ilalim ng community quarantine.
Wala namang natatanggap na reklamo ang lokal na pamahalaan kaugnay ng pagpapatupad ng community quarantine sa syudad dagdag pa ni Rasalan.

Umaasa na lamang si Rasalan na magtutuloy-tuloy ang kooperasyon ng mamamayan ng lungsod hanggang sa malampasan ang COVID-19 crisis.

Samantala nilinaw naman ni Rasalan na bagamat nasa ilalalim ng community quarantine ang Cotabato City ay pinapayagan pa ring makalabas-masok sa syudad ang mga truck na naghahatid ng mga suplay ng pagkain, gamot, at agricultural supplies.

Nakakapasok din sa lungsod ang emergency vehicles na naghahatid ng mga pasyente, yaong mga may mga importanteng transaksyon, halimbawa dito ang mga galing sa mga karatig na bayan na tutungo ng bangko upang kumuha ng pangsahod sa kanilang mga empleyado.

Kailangan lamang ng mga ito na sumunod sa protocol, dapat na may maipapakita silang travel order kung saan nakasaad ang lahat na kasama na papasok.

Sa ngayon, sinasabing nasa ikatlong araw pa lamang ang Cotabato City na nasa ilalim ng Community Quarantine.

Photo Charren Joy Biteng FB
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments