Nagsimula nang mamahagi ng tulong ang Cotabato City Social Welfare Office sa mga pamilya ng mga habal-habal, payong-payong at trisikad drivers na walang kita sa panahong ito na nasa ilalim ng community quarantine ang syudad sa gitna ng COVID-19 crisis.
Ayon kay City Social Welfare Officer Cherry Viloria, nahatiran na rin ng tulong ang mga indigents na nawalan ng trabaho, contractual employees sa mga pribadong mga establisimento , mga “no work, no pay”, mga self-employed na na natigil sa trabaho at sa mga dati nang mababa ang kita subalit lalo pang bumaba.
Sinabi pa ni Viloria na ang kanilang ibinigay ay food supplies na kinabibilangan ng limang kilong bigas, 6 na delata ng sardinas at iba pa.
Anya may mga individual donor din na namigay ng tulong sa ilang mga baranggay, bagay na pinasalamatan nila dahil hindi lamang ang gobyerno ang tumutugon sa pangangailangan ng mga higit na nangangailangan ng ayudad sa panahong ito ng krisis subalit mayroon ding mga pribadong tao at non-government agencies.
Ang recipients ng food supplies ay base sa ibinigay ng bawat barangay na listahan ng mga pangalan ng mga karapat-dapat na makatanggap ng tulong ayon pa kay Viloria.
“Door to door” o inihahatid sa bawat tahanan ng mga recipient ang food supplies na ibinibigay nila ayon pa kay Viloria.
Sa sandaling matanggap na ng recipient ang food supplies ay pinapipirma sila bilang patunay na natanggap nila ito.
Sa linggo lamang na ito ay target nilang mabigyan ng mga food supplies ang abot sa mahigit kumulang 40, 000 household sa lungsod.
Samantala sa mga gustong mag-donate ng food supplies, sinabi ni Viloria na may prosesong kailangang sundin upang hindi makumpromiso ang kalusugan ng donors at maging ng mga recipient.
SInabi ni Viloria na kailangan pa rin dumaan sa kanilang tanggapan ang mga donor, sasamahan naman sila ng social workers sa barangay chairman upang malaman kung sino-sino ang dapat na na bigyan upang masuguro na hindi madoble ay nang mabigyan din ang iba na hindi pa nakatanggap.
May mga donor na gusto nilang sila mismo ang mamamahagi ng kanilang donasyon kaya sinasamahan na lamang sila ng social workers at ng barangay officials dagdag pa ni Viloria.(Daisy Mangod)
City LGU Pic