Sa pamamagitan ng Office on Health Services ay sisimulan na ng Cotabato city government ang pagsasagawa ng massive immunization laban sa sakit na tigdas ngayong Abril.
Target na mabakunahan ang mga sanggol at mga batang below 5 years old dahil sila ang mas madaling kapitan ng naturang sakit.
Sa Cotabato City, 25 sa 37 mga barangays ay nakapagtala ng suspected measles cases at mayroon nang 3 measles-related deaths ngayong taon.
Sinabi ni Acting Assistant City Health Officer Dr. Suher Guinomla-Ibrahim, marami sa health personnel ng syudad ang nagbabahay-bahay upang masiguro na ang bawat bata sa lungsod ay mababakunahan.
Subalit dahil sa kontrobersiya hinggil sa Dengvaxia, hindi kumporme ang karamihan ng mga magulang na mabakunahan ang kanilang anak kontra tigdas sa takot na magdudulot ito ng kahalintulad na epekto ng sa Dengvaxia.
Bunsod nito, ang city health office ay makikipag-ugnayan sa barangay officials, health workers at purok leaders na tulungan silang hikayatin ang bawat tahanan na pabakunahan ang kanilang mga paslit ng napatunayang ligtas at epektibong bakuna kontra tigdas, dagdag pa ni Dr. Ibrahim.
Cotabato City Government, sisimulan na ang malawakang immunization kontra tigdas!
Facebook Comments