Cotabato city gov’t, suportado ang kauna-unahang green Aviation school sa syudad!

Nagpagayag ng pagsuporta si Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi sa Aviation Technical School of Cotabato (ATSC), ang nag-iisa at kauna-unagang aviation school dito sa lungsod.
Nais umano ni MAYOR Sayadi na mabigyan ng tsansa lalo na ang kabataan na makasabay sa modernog lipunan.
Ang ATSC at kauna-unahan at tanging educational institution sa lungsod na nagbibigay ng technical courses tulad ng Associate in Aircraft Maintenance Technology at Associate in Aviation Electronics Technology.
Nakapaglikha na umano ito ng graduates mula noong 2013 kung saan marami sa mga ito ay kinektado na sa airline industries at sa mga paliparan sa buong bansa.
TESDA Accredited ang ATSC at plano nito na mag-alok pa ng mga kurso at ng Cabin Crew Training.
Nangako naman si Mayor Sayadi sa presidente ng ATSC na si Michael Mustapha, Malaysian investor at isa sa mga direktor ng esklwelahan na mag-aalok ito ng scholarship sa susunod na mga araw para sa mga karapat dapat na estudyante ng ATSC at maging bahagi sa promosyon ng aviation industry hindi lamang dito sa Cotabato City ngunit maging sa mga kalapit bayan.(photo credit:mayorCyn)

Facebook Comments