Naglabas ng resolution ang isang Konsehal ng Cotabato City sa kanilang Regular Session kahapon sa Sangguniang Panlungsod na humihiling sa National Inter Agency Task Force na muling isailalim sa ECQ mula MGCQ ang buong syudad.
Itoy ayon pa kay City Councilor Jay-Jay Guiani na syang naging author ng Resolution sa naging panayam ng DXMY ngayong umaga.
Sinasabing dahil sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 sa syudad ang naging dahilan nito dagdag pa ni Councilor Guiani.
Kaugnay nito patuloy na umaapila si Councilor Guiani na maging mahinahon at patuloy lang sundin ang mga health protocols upang makaiwas sa Covid.
Sa ngayon nasa 22 na ang nagpositibo sa syudad ngunit karamihan sa mga ito ay nasa maayos ng sitwasyon, habang patuloy na inaantay ang resulta ng 92 na Hospital Staff ng
Cotabato Regional and Medical Center na naexposed di umano sa pasyente na positibo sa Covid- 19
FILE PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>