Ginugunita ngayong araw ng mga opisyales at mga residente ng Cotabato City ang unang taong kamatayan ni City Mayor Japal Guiani Jr.
Bumubuhos rin ngayon ang emosyon sa social media ng mga kalapit na kaibigan, mga kawani ng LGU at mga kaanak ni Mayor Jojo bilang pagpapakita ng patuloy na suporta at tila di pa rin makapaniwala sa pagkakawala ng alklade.
Matatandaang ginulat ng kamatayan ni Mayor Jojo ang buong syudad at mga kalapit lugar noong umaga ng September 22, 2016. Pumanaw si Mayor Jo sa edad na 56 habang nakikipaglaban sa kanyang karamdaman sa Davao City.
Samantala sa facebook post ngayong umaga ng kanyang nakakabatang kapatid at kasalukuyang Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi sinasabi nitong bagaman nalulungkot at pilit tinatanggap ang katotohanang wala na si Mayor Jo nangako itong ipagpapatuloy ang mga nasimulang inisyatiba at mga magagandang plano para sa syudad.
Inaasahang magsasagawa ng isang programa sa Peoples Palace ngayong umaga bilang pag alala sa pumanaw na alkalde.(DENNIS ARCON)
GOOGLE Pic