Cotabato City, inirekomenda na para isailalim sa COMELEC control

Cotabato – Maliban sa Daraga, Albay, inirekomenda na rin ng COMELEC na ilagay sa ilalim COMELEC control ang Cotabato City

Ito ay matapos ang naganap na new year’s eve bombing sa isang mall doon na ikinasawi ng dalawa at ikinasugat ng nasa 30 katao.

Ayon kay COMELEC Chairman Sheriff Abas, na tumungo sa Camp Crame para sa national joint security coordinating meeting na malaki ang pangangailangang ilagay sa kontrol ng COMELEC ang Cotabato dahil sa problema sa seguridad at peace and order.


Ito aniya ay batay na rin sa naging assessment ng election officers sa Cotabato City.

Sa ilalim ng COMELEC control, bubuo ng special task force na mangangalaga sa seguridad para maiwasan ang anumang election related violence.

Una nang inirekomendang ilagay sa ilalim ng COMELEC control ang daraga, albay matapos ang pagpatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Facebook Comments