Cotabato City, isinailalim sa state of calamity

Cotabato City – Isinailalim ang lungsod ng Cotabato sa state of calamity dahil sa nararanasang matinding pagbaha.

Ayon kay City Vice Mayor Graham Nasser Dumama, inaprubahan ang resolution no. 6218 sa kanilang regular session kahapon na nagdedeklara sa buong lungsod sa ilalim ng state of calamity.

Sa 37 barangay ng lungsod, 25 rito ay binaha dahil dito ay magagamit na ang 5% calamity fund para sa mas mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente ng lungsod.


Dalawang linggo nang nakakaranas ng baha ang lungsod ng Cotabato.

Facebook Comments