Cotabato City kinilalang "MODEL CITY" ng PNP Region 12

Bumisita sa tanggapan ni Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani ang mga matataas na opisyales ng military at PNP.
Kabilang sa nag courtesy call kahapon ang bagong talagang Region 12 PNP Director CSupt Marcelo Morales, at Task Force Kutawato at kasalukuyang 603rd Commander BGen. Jesus Sarsagat .
Napansin naman ng mga opisyales ang katiwasayan sa syudad at pagbababa ng crime rate, sinasabing pangalawa ang Cotabato City sa buong rehiyon na may pinakamababang naitalang krimen noong 2017.
Nagpapasalamat naman ang alkalde sa tulong ng mga otoridad at nangakong ipagpapatuloy ang mga inisyatiba para sa katahimikan ng buong syudad.
Kaugnay nito kinilala bilang “Model City” ang syudad para sa buong Region 12 ng PNP.

Facebook Comments