Daan-daang educational books ang natanggap ng city government of Cotabato mula sa USAID sa pamamagitan ng Mindanao Youth for Development.
Abot sa 714 mga aklat ang donasyon ng MYDev sa city government na dumagdag sa mga nakapreserbang koleksyon ng mga aklat sa library.
Libreng makaka-access sa naturang mga donasyong libro ang lahat lalo na ang sektor ng kabataan sa syudad.
Ilan sa naturang mga libro ay basic reading skills, Science and Mathematics, at English Literature na makakatulong umano sa kanila upang mas mapahusay pa ang kanilang academic performance.
Ang pamamahagi ng mga libro ay bahagi ng Book Distribution for the Youth of Mindanao Program ng MYDEV na naglalayong makapagbigay ng makabuluhangmga aklat sa kanilang mga napiling beneficiaries na maaring makatulong sa kanila upang maging epektibong mga indibidwal at responsableng miyembro ng komonidad.
Cotabato City Library, nakatanggap ng mga donasyng libro!
Facebook Comments