Hindi magtatagal ay magkakaroon na rin ng Industrial park ang Cotabato City.
Ito ay mayroong ospital, pagawaan ng mga sapatos, gamot at damit, mayroon din itong electronics factory at food processing factory.
Tulad ng itatayong sariling airport at seaport ng lungsod ay malaking tagumpay din na maitutuing ng lokal na pamahalaan at ng mamamayan ng Cotabato city ang kaabang-abang na industrial park.
Mangangahulugan din umano ang ito ng libu-libong trabaho, pagdagsa pa ng mga turista at higit sa lahat mas aangat pa ang kapasidad ng syudad sa pagluluwas ng mga produkto sa ibang lugar.
Sinabi ng city government sa pamumuno ni Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi na “deserve” ng Cotabateños ang kaunlarang ito.
Facebook Comments