Niyanig ng 6.4 na magnitude na lindol ang Maguindanao, kaninang madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang pagyanig sa layong 10 kilometers northwest ng Cotabato City.
May lalim na 489 na kilometro ang pinagmulan nito at tectonic ang origin.
Naramdaman ang pagyanig sa:
Alabel at Malungon, Sarangani – Intensity 2
Tupi, General Santos City at Koronadal City, South Cotabato; Kiamba, Sarangani – Intensity 1
Sinabi ng PHIVOLCS na asahang magdudulot ang pagyanig ng pinsala at aftershocks.
Tiniyak naman ng naturang ahensiya, na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos tumama ang nasabing lindol.
Facebook Comments