Cotabato City Mayor Presidential Lingkod Bayan Finalist

Binigyang pagkilala ng Civil Service Commission si Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi bilang Regional Finalist for the Presidential Lingkod Bayan Award.

Isa ang alklade mula sa anim na Finalist sa buong rehiyon dose mula naman sa higit 58,000 na mga kawani ng pamahalaan ayon pa kay Director IV Grace Belgado –Saqueton na syang nanguna sa pagbibigay ng pagkilala sa isinagawang aktibidad sa Peoples Palace kaninang umaga.

Ang Presidential Lingkod Bayan Award ay ang pinakamataas na pagkikilalang ibinibigay ng CSC para sa mga natatanging kawani ng pamahalaan.


Tinagurian ring Architect of Development ng CSC si Mayor Cyn dahil na rin sa mga inisyatiba nito para sa pagpapaunlad ng syudad at pagpuksa sa mga naghahasik ng kriminalidad at illegal drugs.
PICS: City Info Office

Facebook Comments