Cotabato City, muling binulabog ng 2 pagsabog

Dalawang pagsabog muli ang bumulabog sa Cotabato City ilang oras matapos magsara ang mga voting precincts kagabi.

Ayon kay Police Lieutenant Teofisto Ferrer Jr. – ang mga pagsabog ay nangyari dakong alas-10:00 kaninang gabi malapit sa city hall compound ng Purok Omar, Malagapas, Rosary Heights 10.

Dagdag pa ni Ferrer – nagkaroon din ng mga putok ng baril pagkatapos ng pagsabog.


Wala pang naiulat na nasaktan sa insidente.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa mga insidente.

Matatandaang inilagay ng Commission on Elections (Comelec) ang buong Mindanao sa category red election hotspot.

Facebook Comments