Upang ma-educate ang bawat isa hinggil sa tamang paggamit ng mga palikuran, ang city government sa pamamagitan ng Local Council for the Protection of Children sa kolaborasyon ng supportive partners mula sa public sector at non-government offices ay nakiisa sa World Toilet Day noong Huwebes, 23 November 2017.
Ang pinakalayunin ng aktibidad ay iprisenta at ikintal sa mga bata sa Cotabato city ang wastong paggamit ng toilet sa kani-kanilang tahanan at sa iba pang lugar sa kanilang komunidad.
Paraan din ito upang maibsan ang mga sakit o karamdaman na banta sa kalusugan ng mga paslit at maging ng mga matatanda.
Ang maikli ngunit makabuluhang aktibidad ay isinagawa sa lobby ng People’s Palace na puno ng inputs mula sa iba’t-ibang partners tungkol sa kahalagahan ng tamang paggamit ng toilets sa pang-araw-araw na buhay, mga benipisyo ng tamang paggamit ng palikuran sa kalusugan at kalinisan, at ang mga pagsisikap ng local government unit sa pagpapatupad ng mga polisiya sa tamang pag-dispose ng dumi human waste.(photo credit:citygovernmentofcotabato)
Cotabato city, nakiisa sa World Toilet Day!
Facebook Comments