Cotabato City nakikiisa sa Womens Month Celebration

Inilatag ng City Government ang ibat ibang mga aktibidad kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Day.
Kinabibilangan ito ng Alay Lakad for Cause na gagawin sa Marso 8 na magsisimula sa CCSPC Ground hanggang sa Old City Hall .
Ang nasabing aktibidad ay susundan naman ng programang Garage Sale na gaganapin buong araw sa Old city Hall. Inaasahan ding mamamahagi ang mga empleyado mula sa pamahalaang lungsod ng Cotabato ng mga kagamitan na maaari pang gamitin at ibenta sa publiko.
Magkakaroon din ng womens gallery o women in action sa parehong araw, upang ipaalam na rin sa publiko ang mga ginagawa ng mga kababaihan para sa pagbabago.
Tema ng okasyon ay “We make change work for women”. (-Kaye Gumapac NDU/Ba Comm3)
google pic

Facebook Comments