Muling kinilala ang Cotabato City LGU sa katatapos lamang na 5th Regional Competitiveness Summit and Awards Ceremony na isinagawa Philippine International Convention Center sa Pasay City.
Pasok sa Top 3 mula sa 1, 487 na mga syudad at mga munisipalidad sa buong bansa ang City LGU at tinanghal na number 2 bilang Most Competitive Independent Component City sa larangan ng Government Efficiency.
Pinangunahan mismo ni City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi ang pagtanggap ng parangal .
Pumangalawa ang Cotabato City mula sa Naga at sinundan ng Antipolo Rizal.
Ang pagkilala ay ibinibigay ng National Competitiveness Council (NCC) isang public-private sector na tumitingin sa inisyatiba ng mga Local Government Unit sa buong bansa na nagpapakita na exemplary performance sa hanay ng Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, at Resiliency.(DENNIS ARCON)
PIC: City Toursim Office