Maituturing na pinakaligtas na lugar para sa buong Socsargen Region o Region 12 ang Cotabato City base na rin sa data na inilabas ng Philippine National Police 12.
Itoy matapos na bumaba ng 46% ang Non- Index at Index Crime sa buong syudad noong 2017. Sinasabing bagaman nakapagtala ng 1118 na krimen sa Cotabato City noong 2017 kapansin pansin ang pagbaba nito mula sa 2064 na krimen noong 2016.
Halos nangalahati naman ang sumusunod na Sultan Kudarat Province na nakapagtala ng 23 % na pagbaba ng krimen o , Saraggani Province na may 20 % na pagbaba ng naitalang krimen, North Cotabato na may 14 % decrease , South Cotabato na may 11 % decrease at GenSan na may 2 % decrease.
Lubos naman ang pagpapasalamat ni City PNP Director SSupt Rolly Octavio sa mga residente ng syudad sa pakikiisa ng mga ito sa kampanya ng PNP, Task Force Kutawato at LGU.
Binigyang diin rin ni CD Octavio ang paghihirap na inisyatiba ng RONDA TEAM sa pangunguna ni Mayor Cynthia Guiani na magdamag na nag iikot sa mga kasuluksulukan ng syudad para lamang maisigurong ligtas ang bawat residente ng Cotabato City.
Kaugnay nito, bunsod sa magandang peace and order sa syudad ay nag-uumapaw ngayon ang kumpyansa, tiwala at paglagak ng mga negosyante na kanilang negosyo sa Cotabato City.
Kasalukuyang nasa Cotabato City rin ang Regional Office ng Autonomous Region in Muslim Mindanao habang pinag aaralan na rin ang pagbabalik ng mga tanggapan mula Region 12.
Google Pic
Cotabato City pinakasafe na lugar sa buong Region 12- PNP
Facebook Comments