Cotabato City PNP nakikiisa sa 25th PCR Month, ilang pulis at sibilyan pinarangalan

25

Ginawaran ng pagkilala ng Cotabato City LGU at City PNP ang ilang opisyal at mga elemento ng kapulisan na nagpakita ng kagalingan ngayong taon.


Iginawad sa Police Station # 3 at Station #4 ang Best Police Station of the Year, sa ilalim ng mga liderato ni Police Major Theng Bacal at PMajor Elixon Bona.
Oustanding Police Commissioned Officer of the Year rin si PNP Station 1 Deputy Commander, P/LT. Joel Albao.

Tinanghal naman bilang Best Police Community Relations Officer of the Year si PCL. Ivy Majorie Bacaro

Best SALAAM Police Officer of the Year si PCL Algin Ladia, at Best Family Juvenile Gender and Development the Year sina Patrolman Ryan Francisco at PCL Mary Jane Cari.

Pinangunahan ni Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi at City PNP Director, PCOL. Richard Fiesta ang pagbibigay ng parangal sa mga kapulisan kasabay ng ika 25th Police Community Relations Month.

Binigyan rin ng pagkilala sina Atty. Jarissa Guiani , CAC Chairwoman at Jefferson Bacurnay ., CAC Vice-Chairman dahil na rin sa walang sawang pagsuporta sa Cotabato City Pnp

Nakatanggap rin ang KARANCHO Cotabato Chapter, KASANNGA RECON Cotabato Chapter at Police Hotline ng award bilang OUTSTANDING FORCE MULTIPLIERS
PNP PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>




Facebook Comments