Isa ang Cotabato City sa 3 urban cities sa bansa na recipients ng Hydroponics-Aquaponics farm systems na donasyon ng Aboitiz Group, iginawad ang mga ito kasabay ng isinagawang lauching ng PAGKAIN (Pagbabago ay Gawin, Kabuhayang pang-Agrikuktura Iaaalay Namin) para sa Masa Urban Agricultural Garden program na itinataguyod ng Department of Agriculture at Aboitiz group.
Ang naturang partner-for-change community-based enterprise ay naglalayong makamit ang minimithing “Food for every Filipino.”, pakay din ng proyekto na matugunan ang problema sa malnutrisyon sa panig ng mahihirap residente.
Sa pamamagitan ng naturang sistema, inaasahang matutugunan ang kahirapan at magbubukas ito ng opurtunidad para sa constituents na maging mas produktibo sa agrikultura at pangingisda.
Sinabi naman ni City Administrator Dr. Danda Juanday na ang naturang programa ay napapanahon at relevant dahil nahahanay ito sa gulayan sa barangay project ng lungsod.
Cotabato city, recipient ng Hydroponics-Aquaponics farm systems ng Aboitiz Group!
Facebook Comments