Upang mabigyan ng opurtunidad ang mga nagtapos ng Senior High School sa lalawigan na makahanap ng trabaho, nagsagawa ng 2 araw na job fair ang Provincial Government of Cotabato sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), at Local Government Units sa Provincial Capitol Gymnasium, Amas, Kidapawan City.
Ayon kay DepEd Cotabato Jobs Fair Coordinator Dionisio Costes, abot sa 10 locally based establishments/agencies ang nagbukas ng pinto para sa mga aplikante, kabilang dito ang Biotech Farm Inc., Bluesun Inc., KCC Marbel, Millennium Distribution System Inc., Globe Telecom, Acabar Marketing International, Colorsteel System Corporation, Gaisano Grand Kidapawan, Jollibee Kidapawan, at Araki Beauty Salon.
Cotabato Provincial government, inaayudahan ang SHS graduates na makahanap ng trabaho!
Facebook Comments