Cotabato Regional and Medical Center, mayroon ng testing center para sa COVID-19

Ipinagkaloob ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Government ang pondong nagkakahalaga ng 14 na milyong piso  sa Cotabato Regional and Medical Center. Ang halagang ito ay gagamitin para magkaroon na ng sariling Polymerase Chain Reaction (PCR) o COVID -19 Testing Center ang nasabing pagamutan. Ang pondong nagkakahalaga ng 14, 135, 530 ay ipinagkaloob sa pagitan nina BARMM Interim Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim at Chief of Hospital Dra. Helen Yambao

Inaasahang magiging malaking tulong ito para mapabilis na malaman ang tunay na kalagayan ng isang indibidwal mapa Person Under Monitoring (PUM) man o Person Under Investigation (PUI) sa nasabing karamdaman.

Sinasabing inaayos na lamang ng CRMC ang mga karagdagang proseso at equipments para makapagsimula na ng makapagtest sa publiko.


Facebook Comments