Nakiisa na rin ang Council for the Welfare of Children (CWC) sa pamunuan ng Department of Education (DepEd), Local Government Units (LGU) Taguig, mga magulang at mga estudyante na magkaroon ng agarang imbestigasyon at matukoy ang tunay na nangyari sa dalawang bata.
Ayon sa CWC, handa umano sila sa tulong na kinakailangan upang mabantayan ang kapakanan ng mga kabataan sa ngayon.
Nanawagan din ang konseho sa mga magulang na bantayan at subaybayan ang kani-kanilang mga anak, hindi lamang sa kanilang aspetong pisikal, maging ang mga mental health nito.
Samantala, binigyang diin din ng CWC na kailangang magtulungan at magsama-sama ang mga magulang katuwang ang DepEd sa tamang pag-gabay at mabigyan ng sapat at tamang pag-aruga.
Facebook Comments