Council meeting ng PhilSA, pangungunahan ni PBBM ngayong umaga

Photo courtesy of the Office of the President (Dec. 19, 2022)

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang council meeting ng Philippine Space Agency (PhilSA) ngayong umaga.

Nabatid na si Pangulang Marcos din ang nagsisilbing chairman ng PhilSA Council.

Alas-9:00 nang umaga inaasahang darating ang pangulo sa Cyber One Building sa Eastwood, Quezon City.


Tatalakayin sa pulong ang mga programa ng PhilSa kaugnay sa usaping pang-kalawakan.

Dadalo sa pulong sina Department of Science and Technology (DOST) Sec. Renato Solidum Jr. PhilSa Director-General Joel Joseph Marciano Jr. at iba pang miyembro ng Philsa Council.

Samantala, mamayang hapon ay haharap naman sa pangulo ang executives ng Emirates Nuclear Energy Corporation.

Facebook Comments