Council of Concerned Citizens, binuo para sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects sa Negros Occidental

Iimbestigahan, ilalantad, at kakasuhan ang mga tao na madadawit sa mga maanomalyang flood control project sa lungsod ng Bacolod at lalawigan ng Negros Occidental.

Ito ang mandato ng Council of Concerned Citizens na binubuo ng mga kaparian ng Diocese of Bacolod, mga grupo ng lawyer, engineers, civil society, at mga progresibong grupo.

Ayon kay C3 Lead Covenor Fr. Mao Buenafe, nabuo ang council sa harap ng mainit na isyu at galit ng publiko sa nadiskubreng korapsyon sa mga proyekto, pati na sa mga local government units.

Ipinasiguro naman nina Atty. Cesar Beloria at Atty. Renecito Novero, dating Bacolod City councilor, na wala itong halong politika, hindi magiging “ningas kugon,” at mayroong makakasuhan.

Ayon naman kay Fr. Julius Espinosa, Social Action Director ng Diocese of Bacolod, handa ang simbahan para pakingan ang sentimento at galit ng tao para magsasagawa ng mga kaukulang hakbang.

Facebook Comments