Councilor NENE DE ASIS: VICE – MAYOR if ever…

Kinumpirma ni 3-termer Naga City Councilor CECILIA VELUZ DE ASIS na interesado pa rin siyang ipagpatuloy ang paglilingkod sa mga taga Naga City. Ito ay sa harap ng kanyang huling termino ngayon bilang myembro ng Sangguniang Panlungsod ng Naga.
Ayon sa Konsehala sa interview ni RadyoMaN Mike Marfega ng DWNX, nakahanda siyang “ipadagos ang pagserbi sa mga taga Naga,” kasabay ng pahayag at kumpirmasyon ng kanyang intention na makonsidera ang kanyang pangalan sa ginagawang konsultasyon hinggil sa kung sino ang pipiliing kandidato ng City Hall sa pagka-vice mayor ng Naga.
Idinagdag pa ni De Asis na nakikipagkonsulta na rin siya sa iba’t-ibang sector kabilang na ang sector ng mga kababaihan. Ayon pa sa 3-termer Councilor, nagbigay kortesiya at ipinagbigay alam na rin niya kay Vice President Leni Robredo ang kanyang intention na mapasama sa pagpipilian na kakandidato sa pagka bise-alkalde ng Naga City sa darating na 2019 elections.
Si Councilor Nene De Asis ay Top Notcher nitong nakaraang 2016 elections sa pagkakonsehal ng Naga City with more than 42,000 votes.
Si Councilor Nene De Asis ay chairperson ng Bantay Familia na pangunahing misyon ang protection at kapakanan ng pamilya at mga kababaihan.
Hindi binanggit ni De Asis kung sino ang mayor na makakasama niya kung sakaling mabigyan ng bendisyon at pagkakataong magiging flag bearer sa pagka-vice mayor ng Naga City Hall sa 2019 elections.

photofromfbofcouncilornenedeasis

Facebook Comments