Counsel ni dating Senador Bong Revilla, bibitawan na ang kasong plunder

Manila, Philippines – Kakalas na sa plunder case ni dating Senador Bong Revilla sa Ombudsman ang kaniyang lead counsel.

Ito ay matapos na maitalaga si Director Jeofferson Toribio bilang RTC judge ng Tarlac City.

Ayon kay Toribio, sinisimulan na niyang i-turn over ang lahat ng kaniyang hawak na kaso kabilang na ang kay Sen. Revilla.


Kasunod nito, naipaalam na niya sa Ombudsman ang pagtatalaga sa kaniya bilang hukom.

Naghihintay na lang aniya siya ng oath taking para tuluyang maupo bilang hukom sa Tarlac City.

Tiwala naman siya na kayang hawakan ng iba pa niyang kasamahan sa Office of the Special Prosecutor ang mga maiiwan niyang kaso.

Noong nakalipas na buwan ay tinatapos na ng prosecution sa pangunguna ni Toribio ang pagpiprisinta ng ebidensya.

Kasunod nito, naghain na rin sila ng formal offer of evidence noong oktubre at hinihintay na lang ang resolusyon ng mga mahistado ng first division ng Sandiganbayan.

Sakali na maglabas na ng resolusyon ang mga mahistrado nasa panig na ng depensa kung maghahain ng demurrer to evidence o magpiprisinta ng ebidensya para kontrahin ang mga ipinrisintang evidensya ng prosekusyon.

Facebook Comments