Countdown para sa OAV, sinimulan na kahapon

Umarangkada na kahapon, April 3 ang 10-araw na countdown para sa Overseas Absentee Voting (OAV).

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), nasa 1,822,173 OFW ang inaasahang lalahok sa OAV, na gaganapin mula April 13 hanggang May 13.

Ang mga Pilipinong nasa abroad ay boboto lamang sa mga kandidatong tumatakbo sa Senado at Kamara.


Sinabi ni Comelec Office for Overseas Voting Director Elaiza Sabile-David – 885,274 na botante ang nasa Middle East at African Region, 393,728 sa Asia-Pacific Region, 334,947 sa North at Latin America at 165,191 sa European Region.

Nasa 43,033 seafarers ang inaasahan ding sasali sa midterm poll.

Binanggit naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez ang ilang paraan para makaboto mula overseas.

Ito ay sa pamamagitan ng personal voting, pagsusumiute ng boto nito sa pamamagitan ng liham, manual voting o paggamit ng vote counting machine.

Nagbabala ang poll body sa mga OFW na iwasang magpakalat ng maling impormasyon hinggil sa resulta ng eleksyon.

Facebook Comments