Court of Appeals, hinimok ng OSG na pagbigyan ang mosyon ng NTC matapos ibasura ng Palasyo ang apela ng Newsnet

Hinihimok ng Office of the Solicitor General (OSG) ang Court of Appeals (CA) na pagbigyan ang Motion for Reconsideration ng National Telecommunications Commission (NTC) hinggil sa naunang desisyon na aprubahan ang aplikasyon ng News and Entertainment Network Corp. (Newsnet) para makapag-operate ng local multi-point distribution system (LMDS).

Nabatid na ang LMDS ang siyang paraan para ang Newsnet na affiliate ng NOW Corp. para makapag-deliver ng interactive pay television at multimedia services sa buong bansa kung saan ang kanilang prangkisa ay nag-expire na noong pang August 9, 2021.

Ang OSG na siyang representante ng NTC sa kaso, ay hinihimok ang CA na paboran ang naging desisyon ng Office of the President na ibasura ang apela ng Newsnet upang mabaligtad ang isang desisyon ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na nagbabalewala sa naunang pagbibigay ng ahensiya ng “automatic approval” sa aplikasyon ng kompanya na “mag-install, mag-operate, at mag-maintain” ng isang LMDS.


Kung matatandaan, unang naglabas ng desisyon ang CA special eighth division noong July 20, 2022 kung saan pinagbigyan ang petition for mandamus na inihain ng Newsnet laban sa NTC at sa dating commissioner na si Gamaliel Cordoba.

Sa nasabing desisyon, inatasan ng CA ang NTC na sundin ang kautusan ng ARTA noong February 12, 2020 kung saan naaprubahan ang aplikasyon ng Newsnet para sa certificate of public convenience (CPC) makaraang mabigo ang komisyon na gumawa mg hakbang na nakasaad sa batas.

Ito’y sa kabila ng pagbawi ng ARTA ng Declaration of Completeness sa nauna nilang kautusan kung saan ang resolusyon ay inilabas noong June 17, 2022, isang buwan bago mailabas ang desisyon ng CA.

Sa pahayag naman ni Solicitor General Menardo Guevarra, hindi makatwiran ang patuloy na pagpo-forum shopping ng kompanya kung saan naghain din ito ng kaparehong kahilingan sa CA.

Facebook Comments