Court of Appeals, muling kinalampag kaugnay ng isyu sa Pharmally executives

Muling kinalampag ang Court of Appeals ng kampo ng dalawang Pharmally Executives na anim na buwan nang nakakulong sa Pasay City Jail.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng Pharmally Director Linconn Ong at Pharmally Secretary Mohit Dargani, hindi pa rin inaaksyunan ng Appellate Court ang inihain nilang habeas corpus petition lalo na’t wala namang kinahaharap na kasong kriminal ang dalawa.

Nakapagsampa na rin sila ng kasong administratibo at motion to inhibit laban kay CA 5th Division Associate Justice Apolinario Bruselas.


Nag-inhibit na si Bruselas sa habeas corpus case at nai-raffle sa CA 4th Division ang petisyon sa sala nina Associate Justices Ramon Bato Jr, Rafael Antonio Santos at Lorenza Bordios.

Una na ring sinabi nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Sen. Panfilo “Ping” Lacson na dapat nang palayain sina Ong at Dargani dahil naka-recess na ang Senado at tapos na ang kanilang imbestigasyon sa Pharmally controversy.

Facebook Comments