Court of Tax Appeals, itinakda sa susunod na linggo ang arraignment ni Maria Ressa

Manila, Philippines – Itinakda na ng Court of Tax Appeals ang arraignment ni Rappler Holdings Corporation President Maria Ressa kaugnay sa apat na kaso ng tax deficiency.

Sa inilabas na resolusyon ng First Division, sa April 3, alas-8:30 nang umaga gagawin ang pagbasa ng sakdal laban kay Ressa.

Habang isasagawa naman ng tax appellate court ang preliminary conference sa March 27.


Una nang itinakda ang arraignment noong January 23 pero naghain ng Motion for Reconsideration ang kampo ni Ressa para ipabasura ang kaso.

Facebook Comments