Courtesy resignation ng mga pinuno ng GOCCs, walang epekto sa ugnayan ng tanggapan at pribadong sektor — Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na walang magiging epekto sa perfomance ng Government Owned or Controlled Corporations (GOCCs) ang pagsusumite ng courtesy resignation ng mga pinuno nito.

Ayon kay Executive Secretaray Lucas Bersamin, tuloy lamang ang policy direction ng Marcos administration, at ng mga government offices sa ilalim nito sa kabila ng performance review.

Dagdag pa ng kalihim, alam ng mga opisyal ng GOCCs ang kanilang mandato na dapat magpatuloy ang serbisyo ng kanilang mga tanggapan.

Kaya naman kumpiyansa aniya sila na hindi nito maapektuhan ang ugnayan ng pamahalaan at ng pribadong sektor.

Sa ngayon halos lahat ng GOCC heads ay nakapaghain na ng resignation letter, at iilan na lamang ang hinihintay.

Facebook Comments