Courtesy resignation ni Agriculture Sec. Manny Piñol, hindi pa tinatanggap ng pangulo

Hindi pa tinatanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang courtesy resignation ni Agriculture Sec. Manny Piñol.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, inaasahan pa kasi ng pangulo na dadalo pa si Piñol sa kanilang Cabinet Meeting.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na kakausapin muna niya si Bangsamoro Region Interim Chief Minister Al-Haj Murad Ebrahim bago ilipat si Piñol sa Mindanao Development Authority (MINDA).


Naniniwala ang pangulo na malaki ang maitutulong ni Piñol sa bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region.

Facebook Comments