Courtesy resignation ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon, tinanggap na ni P-Duterte

Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatanggapin niya ang courtesy resignation ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Ito’y matapos makalusot sa Bureau of Customs ang 6.4 na bilyong pisong halaga ng shabu.

Sa press conference ni Pangulong Duterte, sinabi nito na gusto niyang italagang kapalit ni Faeldon ay si Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Chief Isidro Lapeña.


Sinabi din ni duterte, kakailanganin pa niya si Faeldon sa iba pang posisyon sa gobyerno dahil sa angking katapatan nito.

Naniniwala naman ang pangulo, napaikutan lang si faeldon sa customs kaya nakalusot ang bilyon-bilyong pisong halaga ng shabu.

Samantala, sa text message ni Faeldon sa RMN, nanawagan ito na suportahan ang bagong repormang gagawin ng administrasyon sa Customs.

Nagpasalamat din ito sa lahat ng nakasama at sumuporta sa kanya sa sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Facebook Comments