COVAX Facility, magbibigay muli ng bakuna oras na maubos na ang unang batch ng AstraZeneca vaccines

Nakatakdang magbigay muli ang COVAX Facility ng mga bakuna oras na maipadala na sa mga ospital sa bansa ang unang batch ng 487,200 doses ng AstraZeneca vaccines.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., nakadepende sa bilis ng kilos ng pamahalaan ang delivery ng COVAX Facility ang susunod na batch ng mga bakuna.

Habang batay rin sa kanilang timeline, target nilang tapusin ang deployment ng AstraZeneca maging ang Sinovac sa loob ng pito hanggang sampung araw.


Ibig sabihin kailangan itong mai-deliver mula sa cold storage facility sa Marikina City patungo sa iba’t ibang hospital at iba pang health facility sa susunod na sampung araw.

Uunahing i-deploy ang mga bakuna sa COVID referral ospital, DOH hospitals, LGU hospitals, private hospitals, quarantine facilities, Regional at Provincial Healthcare Units.

Facebook Comments