Cover up sa pagkamatay ni Atio Castillo, itinanggi ni UST Civil Law Dean Nilo Divina

Manila, Philippines – Itinanggi ni UST faculty of Civil Law Dean Nilo Divina ang mga alegasyon na may cover up o pagtatakip sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Catillo III.

Una rito, nagpunta si divina sa Department of Justice (DOJ) kahapon para magsumite ng kanyang counter affidavit sa mga kasong murder, violation of anti-hazing law at obstruction of justice na isinampa ng mga magulang ni Atio.

Naniniwala kasi ang mag-asawang Castillo na may alam si Divina tungkol sa hazing ng kanilang anak.


Matatandaan na noon pang 2009 naka-leave si Divina sa Aegis Juris Fraternity mula nang maitalaga ito bilang dean.

Facebook Comments