COVID-19 active cases sa bansa, pumalo na sa higit 13,000

Sumampa na sa mahigit 13,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 13,021 ang active cases sa bansa makaraang madagdagan ng 1,825 bagong kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3,716,522 ang COVID-19 nationwide tally.


Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region pa rin ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng bagong kaso na aabot sa 7,228 sinundan ng Calabarzon na may 3,127; Western Visayas, 1,349; Central Luzon, 1,228 at Central Visayas na may 645.

Samantala, nasa 3,642,862 na ang gumaling sa sakit habang umabot na sa 60,639 ang kabuuang bilang ng mga nasawi.

Nasa 20.5% naman ang bed occupancy rate sa bansa kung saan 5,948 na mga kama na ang okupado habang 23,098 ang nananatiling bakante as of July 7.

Facebook Comments