COVID-19 active cases sa Echague, Pumalo sa 157; Kaso ng Pagkamatay, 14 na

22

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 14 ang naitalang binawian ng buhay sa Echague, Isabela dahil umano sa COVID-19.
Batay sa pinakahuling datos ng Municipal Health Office, nakapagtala ng tig-tatlong kaso ng pagkamatay ang mga barangay ng Taggapan at Soyung; dalawa (2) naman sa San Fabian habang tig-isa sa mga barangay ng Villa Campo, San Manuel,Narra, Libertad, Ipil at Cabugao.

Samantala, umabot na sa 287 ang mga tinamaan ng COVID-19 habang 157 ang nananatiling aktibo sa sakit.
Naitala naman ang 116 katao na fully recovered sa sakit at 18 naman ang naidagdag sa bilang ng mga positibo ngayon.


May pinakamataas na active cases ang barangay San Fabian na umabot sa 26; Taggapan na 18 at Cabugao na 16.
Paalala sa publiko ang pagsunod sa health protocol upang makaiwas sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments