COVID-19 Active Cases sa Isabela, Patuloy na Bumababa

23

Cauayan City, Isabela- Patuloy ang pagbaba ng bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw, Nobyembre 17, 2021, mayroon na lamang 825 total active cases ang probinsya kabilang na ang 29 na naitalang panibagong kaso.

Mayroon din naitala ang probinsya na 140 na bagong gumaling mula sa COVID-19 habang mayroon din lima (5) na naitalang bagong namatay sa nasabing sakit.


Tumaas naman sa 57,631 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 samantalang nasa 2,011 na total related deaths.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 60,467 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments