Cauayan City, Isabela- Halos 1,000 na ang aktibong kaso ng COVID-19 na binabantayan ng Department of Health Region 2 as of July 30, 2022.
Batay sa kanilang Daily COVID-19 Surveillance Update, naitala ang isang daan at pitumpu’t walo na kumpirmadong kaso ang naidagdag sa bilang ng mga tinamaan ng virus.
Lumalabas sa pagtaya ng DOH, 106, 54% ang mga kababaihan edad 4-88 ang tinamaan ng sakit habang pinaka apektadong age group ay 30-39.
Nasa 23, 13% ang mga health care worker na apektado at 153, 843 ang nakarekober sa sakit matapos madagdagan ng 55 na gumaling mula rito.
Karagdagang dalawang indibidwal naman ang naitalang binawian ng buhay dahil sa COVID-19.
Mahigpit pa rin na paalala sa publiko na sundin ang umiiral na health protocol at magpabakuna para magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.
Facebook Comments